Connect with us

Walang Iwanan: Isang sikat na streamer mula sa Cavite, nagbigay tulong sa mga kababayan sa Cagayan

Feature stories

Walang Iwanan: Isang sikat na streamer mula sa Cavite, nagbigay tulong sa mga kababayan sa Cagayan

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng isang streamer at influencer mula sa Cavite ang kaniyang ginawang pagtulong para sa mga kababayan natin sa Cagayan na lubos na naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Matatandaang naging trending online ang #CagayanNeedsHelp dahil sa kalunos-lunos na sinapit ng mga mamamayan sa naturang probinsya dahil sa baha na dulot ng nakaraang bagyo.

May layon na maging inspirasyon at hikayatin ang ibang mga Caviteno na magbigay tulong, binuo ni Moxie TV ang isang vlog na nagdodokumentaryo ng kanilang inisyatibo para sa mga kapwa Pilipinong lubos na nangangailangan.

 

 

Malayo sa kaniyang kwela at masayang personalidad sa kanilang mga online streams, pinakita ni Moxie kung gaano siya kaseryoso sa pagtulong sa mga tao.

Hindi alintana ang mahabang byahe, na umabot sa 14 na oras, personal na ihinatid ng kanilang grupo ang mga tulong sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo na mas lalong ikinatuwa ng mga sumusubaybay kay Moxie online.

 

Ayon sa kaniyang post sa Facebook, “Sa halos labing-apat na oras na byahe mula Cavite hanggang Cagayan ang pagod ay napawi ng mga ngiti at pag papasalamat mula sa ating mga kababayan. Sa munting tulong na ating handog para sa kanila ating naipadama na sa kahit anong unos ang dumaan basta pag Pinoy ang nag damayan siguradong walang maiiwan.”

Ipinakita lamang ni Moxie TV at kaniyang mga kasamahan na hindi hadlang kung maliit ka man o malaki o mayroon ka mang followers o wala basta’t bukal sa puso ang pagtulong.

“Ating panoorin ang aming naging paglalakbay. Dahil kung hindi rin dahil sa inyo hindi magiging posible ang misyon nating ito. Tandaan mga BBCO, wala sa laki at liit ng tulong ‘yan, nasa tunay na pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa,” pahayag pa niya.

Continue Reading
You may also like...
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Feature stories

Trending

Title

Recent Post

To Top
vdcasino -
lunabet giriş
- Goldenbahis güncel giriş - Perabet giriş -

Lidyabet giriş

- celtabet giriş - sultanbets.net