Connect with us

Pinky Amador, nag-sorry matapos mag-viral ang video na nagwawala siya

Pinky-Amador,-nag-sorry-matapos-mag-viral-ang-video-na-nagwawala-siya

GoNews

Pinky Amador, nag-sorry matapos mag-viral ang video na nagwawala siya

Kumakalat ngayon sa social media ang isang video ng aktres na si Pinky Amador kung saan siya ay galit na sumisigaw habang nasa administration office ng isang hotel sa Makati noong Mayo 22.

Siya ay nakasuot ng puting shirt at nakaface mask sa naturang video.

Sa unang bahagi ng video ay maririnig ang pagsigaw ng babae dahil siya raw ay na-expose sa Person Under Monitoring (PUM) at maaring makahawa pa ito ng sakit.

Nagreklamo siya sa pagka-delay ng hinihinging circular letter para sa mga OFW na nanunuluyan sa hotel na hindi umano pa ipinrint ng hotel staff.

Tatlong linggo na raw niya itong hinihingi ngunit walang inipapaskil ang hotel.

Sabi ng nagwawalang babae, “You are accepting OFWs here with no testing results. Sino? Put—- mo! Gawin mo ngayon ‘yan, hindi ako aalis dito!”

“Put—- mo, pag ako nagkasakit, babayaran mo ba pang-ospital ko? Tagalan mo pa, put**** mo, kakaladkarin kita dito!” wika ng babae sa video.

Tugon ng kausap na staff, ““Ma’am, wala po kayong karapatan, Ma’am…Huwag niyo po akong mumurahin, Ma’am…”

“Mumurahin kita dahil buhay ko ang nakasalalay dito! Mga sinungaling kayo!” sigaw ng galit na babae.

“Alam n’yo bang na-expose ako sa dalawang PUM. Na-inform lang ako dahil mayroon akong put****** CCTV. Ikaw dedemandahin ko diyan,” galit pang sabi nito.

Naglabas naman ng pahayag si Pinky tungkol sa umiikot na video niya.

Humingi ng paumanhin ang aktres sa kaniyang naging asal, ngunit humingi rin ng pang-intindi ito dahil emosyonal at takot para sa kaniyang kaligtasan.

Siya ay nakatira sa isang condotel at nadismaya matapos malaman na tumatanggap ng OFWs ang admin ng building na wala man lamang pagbibigay alam sa mgga homeowners dito.

“Please understand however that my emotion was the product of countless minutes of worrying for my safety and that of my neighbors, following up with building administration and talking to my very emotional neighbors and friends,” saad niya.

“The residents were not notified about the designation, not the influx of these returning Filipinos, and that was a cause for alarm not just for me but for all the residents,” dagdag niya.

Continue Reading
You may also like...
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in GoNews

Trending

Title

Recent Post

To Top